July 8, 2021: Binisita ng ating masipag na Congressman Mark Enverga ang bagong Multi-Purpose Bldg. ng Barangay Bayongon at bagong tayong Barangay Hall ng Barangay Ila. Owain. kasama ang ating butihing Mayor Gelo T. Devanadera, VM Kenneth N. Nantes, SB Members, Kapitan ng Barangay Brgy. Bayongon at Kapitan ng Brgy. Ilayang Owain kasama ang kanilang mga kagawad. Kasama rin sa mga sumalubong ang mga kapitan ng ibang barangay. Nagkaroon rin ng pamimigay ng libreng abono para sa lahat ng mga magsasaka dito sa ating bayan. Ito ay pamamagitan din ng ating Congressman Mark Enverga, kaya lubos na nagpapasalamat ang ating Punumbayan Gelo T. Devanadera sa lahat ng magagandang programa at kapakipakinabang na mga proyekto ng ating congressman na ibinababa sa dito sa ating bayan.